PwD Loyalty Pledge (Tagalog version)

(I extracted this PwD Loyalty Pledge off one of the Internet pages, probably an FB account, at which Carmen Reyes Zubiaga is involved. Here, today, is its Tagalog version.)

PANATA NG ISANG TAGAPAGTAGUYOD NG KARAPATAN AT PRIBILEHIYO NG MGA MAY KAPANSANAN

Ako, (banggitin ang pangalan), ay naniniwala na ang mga taong may kapansanan ay may karapatan rin na katulad ng tinatamasa ng bawat mamamayan; na dapat igalang, pangalagaan at tuparin ng lahat, lalo na ng bawat namumuno sa ating mga pamayanan at lahat ng sangay ng pamahalaan.

Dahil dito, ako ay nangangako, sa abot ng aking makakaya, na magiging tagapagtaguyod ng kanilang mga karapatan at pribilehiyo na naayon sa mga pandaigdigang kasunduan na nilagdaan ng ating pamahalaan at mga batas na dapat ipatupad sa bansang ating tinatahanan;

Bilang isang tagapagtaguyod, ako ay magpapahayag ng madiing pagtutol sa mga gawaing magpapababa sa dignidad ng mga maykapansanan, lalo na sa mga bata at nakakatatanda; at pigilan ang lahat ng uri ng pang-aabuso, panunukso at diskriminasyon ng dahil sa kanilang kapansanan;

Isusulong ko sa aking pamahalaang local at mga tanggapan ng mga pambansang kawanihan na aking kayang abutin na isama ang mga taong may kapansanan sa lahat ng programa at mga serbisyo upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay sa kanilang sariling pamayanan, sa piling ng kanilang mga pamilya;

Sisikapin ko na maging bahagi ng malawakang kampanya ng pagmumulat ukol sa kapansanan, kung paano ito maiiwasan at mapalakas ang bawat taong may kapansanan at ang kanilang mga samahan, bilang mga kaagapay sa pagbuo ng isang pamayanang nangangalaga, at gumagalang sa karapatan ng bawat mamamayan.

Bilang TAGAPAGTAGUYOD ng mga karapatan at pribilehiyo ng mga may kapansanan, ako ay hihikayat pa ng mga tagapagtaguyod na bigkasin ang PANATANG ito, kasunod ang pagkilos upang makamit ang layunin tungo sa isang pamayanang nangangalanga para sa lahat.

Tulungan nawa ako ng MAYKAPAL…

Comments

  1. Buti na lang, yung "maykapal" ay puwedeng kahit sino o anong sinasamba mong diyos/diyosa... It's good that "maykapal" may refer to whoever or whatever god/goddess you worship...

    ReplyDelete
  2. PwD Loyalty Pledge (English version) @ https://one-handed-ilay.blogspot.com/2022/09/pwd-loyalty-pledge-english-version.html

    ReplyDelete

Post a Comment